Friday, June 15, 2012

Lapiang Malaya


Ang Lapiang Malaya, isang relihiyoso-pulitikal na samahan na lumaganap noong 1950's hanggang 1960's. Pinamahalaan ng kinikilalang supremo at nagtatag na si Valentin "Tatang" Delos Santos noong 1940's. Nagsimula ang kaniyang pamamayagpag bilang isang lider na naglalayon ng tunay na katarungan, pagkakapantay-pantay ng tao at tunay na kalayaan ng bansa sa bahaging timog ng Luzon. Ngunit hindi lamang pulitikal na pananaw ang dala ni Tatang, kaakibat na rin dito ang pagpapalaganap ng pananampalatayang naghuhugpong sa pagtawag sa mga kinikilala nilang Bathala, pakikipag-ugnayang espiritwal sa pambansang bayani na si Jose Rizal, pati na rin ang paniniwala at paggamit sa mga tinatawag nilang agimat o anting-anting.

Ang Lapiang Malaya ay naging partido-pulitikal at lumahok sa 1957 presidential election na pinangunahan mismo ng supremo na si Valentin Delos Santos bilang Pangulo, at si Restituto Fresto naman na bilang Ikalawang Pangulo. Ngunit nakapagtala lamang ng 0.50 porsiyento sa kabuuang bilang ng bilangan at nanalo ang kanilang kinakalaban na si Carlos P. Garcia at Diosdado Macapagal. Lumahok din ang naturang mga lider ng samahan sa 1957 Senate Election ngunit walang isa man sa kanila ang mapalad na nabigyan ng puwang sa walong upuan sa senado.

Si Tatang, ayon sa katuruan at kuwento ng kanilang samahan ay napiling magpalaganap ng tinagurian nilang Cinco Vocales na kumakatawan sa A E I O U ng alpabetong Tagalog, at ang 28 Alpabetos na kumakatawan naman sa buong bilang ng alpabeto. Ayon sa katuruan, nalunod si Tatang sa dagat at ilang araw itong nanatili sa ilalim ng tubig. Doon umano ipinagkaloob sa kaniya ang karunungan. Nang umahon ito ay taglay na ang kakayahang makapaggamot ng karamdaman sa pamamagitan ng pagtawag sa kaniyang mga kinikilalang diyoses: Ang Diyos Ama, Diyos Ena, Diyos Anak, Diyos Espiritu Santo at Diyos Omni Potente.

Si Valentin Delos Santos ay tubong Bicol. Ang makarismang 86 taong gulang na dating pari, dating mekaniko, isang beses naging artista sa karnabal, dating boksingero, at tatlong beses natalo sa pagkakandidato sa pagkapangulo ng bansa.

Noong 1967, lantarang nilabanan ni Tatang ang Pangulong Ferdinand Marcos at nanawagan na bumaba ito sa kapangyarihan. Inutusan niya rin ang buong Sandatahang Lakas ng Pilipinas na isuko ang kanilang mga armas at pumanig sa Supremo sa dahilan daw na patuloy na pagyurak sa karapatan at at pang-aapi sa mga mahihirap. Tinutuligsa rin ng grupo ang lantarang panghihimasok ng mga banyagang bansa sa usapin ng bansa partikular na ang Estados Unidos. Si Tatang, ayon sa kaniya ay naatasan na at dumating na ang punto na kailangan niya nang agawin at pamunuan ang bansa at siya ang magiging Supreme Commander ng bansang Pilipinas. Natural lamang na hindi papayag ang Pangulong Ferdinand Marcos.

Nagsimulang kumilos ang mga kasapi ng Lapiang Malaya na nagmula sa iba't-ibang panig ng bansa, karamihian ay nagmula sa mga probinsiya. Noong Mayo 20, 1967, sa kalaliman ng gabi ay dumagsa ang 380 kasapi ng naturang grupo at nagtipon sa isang lugar malapit sa Vito Cruz upang magsagawa ng isang malaking protesta sa pamamagitan ng pagmamartsa hanggang Malacanang upang igiit ang panawagan ng pagbibitiw ni Ferdinand Marcos. Ang grupo ay nakasuot ng mga makukulay na damit na may mga nakasulat na mga orasyong Latin at Tagalog. Mapapansin din ang mga nakasukbit na anting-anting sa bahagi ng kanilang mga katawan o damit. Bukod doon ay armado rin sila ng mga mahahabang itak at matutulis na bagay, patunay lamang na handa silang lumaban at makipaglaban alang-alang sa kanilang layunin at pakay.

Katanghalian ng Mayo 21, 1967, nagsimula ang mainiting pagtatalo ng mga grupo ng Lapiang Malaya at ang noon ay ang sandatahang Philippine Constabulary. Ayon sa mga ulat ay may isang putok ng baril na umalingaw-ngaw sa paligid at ito ang dahilan ng maigting na sagupaan ng dalawang grupo. Itinuturing ng ilang manunulat na ang nangyari ay isang masaker. Nang mag-umpisang magpaputok ng mga baril ang grupo ng Philippine Constabulary, 32 kasapi ng Lapiang Malaya ang agad na nasawi at mahigit 40 naman ang malubhang nasugatan. Sa kabilang panig, isang sundalo ang nasawi, lima naman ang malubhang nasugatan bunga ng mga taga ng itak sa katawan at may tatlong sibilyan naman ang tinamaan ng mga ligaw na bala.

Ang masaker ng Lapiang Malaya ay isa sa mga madugong bahagi ng kasaysayang pulitikal ng Pilipinas.

Nang masawi ang mga kasapi sa pamamagitan ng mga tama ng bala, marami sa mga kasapi ang namulat sa katotohanang walang taglay na kapangyarihan o bertud ang kanilang mga dalang agimat. Kaniya-kaniya sila ng direksiyon ng pagtakas ngunit kalaunan din ay nahuli sila at kinasuhan ng pag-rebelde sa pamahalaan.

Sumuko si Valentin Delos Santos pagkatapos ng madugong sagupaan. Kaagad siyang dinala sa Mental Hospital, kasama ang kaniyang 11 tagasunod na may mga matataas na katungkulan ng kanilang samahan. Hindi nagtagal ay idiniklara silang nasisiraan ng pag-iisip at kailangan ng agarang medikasyon.

Pagkatapos ng ilang pagsusuri, si Tatang ay napatunayang may sakit sa pag-iisip at naging mapangahas. Humantong umano ang matanda sa comatose. Hindi na umano bumalik ang malay ng Supremo at siya ay idineklarang patay noong Agosto, 1967. Ayon sa doktor, siya ay namatay sa sakit na Pneumonia.

Pagkatapos ng kamatayan ni Valentin Delos Santos, tuluyan nang binuwag ng pamahalaan ang buong grupo ng Lapiang Malaya. Karamihan ay kung hindi man humingi ng pardon sa gobyerno ay inatasan ng pamahalaan na bumalik na sila sa kani-kanilang probinsiya. Karamihan sa mga kasapi ng Lapiang Malaya ay mga pisante, manggagawa, at mga lokal na komunidad ng Timog Katagalugan na unang naniwala sa pangako ni Tatang ng bagong gobyerno at pamahalaan ayon sa tunay na pagkakapantay-pantay at katarungan. Umasa rin sila sa pangako ng Supremo na kakaibang kapangyarihan kapag tangan nila ang mga anting-anting at agimat. Sinasabing ang mga bala ng kalaban ay magiging ahas at pupulupot ito mismo sa mga may hawak ng baril. Ngunit iba ang kaganapan sa Vito Cruz. Marami sa kanila ang nasawi sanhi ng mga tama ng bala na pinaulan ng mga kasapi ng Philippine Constabulary.

Ang Lapiang Malaya ay hindi una sa kasaysayan ng paghahangad ng kalayaan at pamumuno sa bansa na may halong pananampalataya at espiritwal na paniniwala, dala ang mga pinaniniwalang anting-anting na sandata ng kanilang pakikipaglaban. Nakatala din sa kasaysayan ang rebolusyon ng Katipunan noong 1896, ang rebolusyon ng Cofradia De San Jose noong 1840, ang pakikidigma ni Macario Sakay at Felipe Salvador na kilala sa paggamit din ng anting-anting.

Kilala rin sina Antonio Luna, Gregorio Aglipay at Miguel Malvar na gumagamit umano ng mga anting-anting.

Katanungan. Si Tatang Valentin ba ay siyang tunay na Sugo na itinuturing na tagapagligtas at pag-asa ng mga simpleng mamayan at naghihirap na sambayanan? Totoo rin ba ang mga pinagpipitagan niyang anting-anting na magdadala daw ng kakaibang sandata at kaligtasan sa sinumang may tangan nito? Ngunit paanong namatay ang mga kasapi nito sa tama ng bala sa madugong masaker? Di kaya ay tama lamang na tawagin sila ng pamahalaan na mga rebelde?

Sa kasalukuyan, may ilang sangay ng Lapiang Malaya ang patuloy na namamayagpag sa mga naiwang katuruan ni Valentin Delos Santos. Partikular na ang matagal na nanahimik, ngunit ngayo'y unti-unting nagsisipaglabasan sa maliit na pamayanan ng Nueva Viscaya.

Sa bulubunduking bahagi ng Bayombong, Nueva Viscaya, at pagkatapos ng mahigit 40 taon ng pananahimik, nag-organisa ng isang Lechon Festival ang pangkat ng ikatlong henerasyon ng Lapiang Malaya na pinamunuan noon ni Valentin Delos Santos. Ayon sa kanilang pinuno, pagpapakita raw ito ng unti-unti at umano'y pakikihalubilo muli sa karamihan ng kanilang grupo. Aniya, hindi sila masasamang tao, at nais nila ang katahimikan.

Pagkatapos ng pamamayapa ni Tatang Valentin, ipinagpatuloy ng kaniyang manugang na si Domingo De Guia o mas kilala bilang "Kuyang Doming" ang pamamahala sa samahan at itinatag ang "Vucal Ng Pananampalataya" Naging usap-usapan at kinilala si Domingo De Guia sa kanilang lalawigan at sa ibang karatig pook dahil sa umano'y taglay na kakayahang makapaggamot ng iba't-ibang karamdaman at ayon na rin sa kaniyang mga naging tagasunod ay makarisma ito at taglay ang kakayahan at gamit ng naunang Valentin Delos Santos sa kaniyang panggagamot at maging sa mga aral ng samahan.

Noong mamatay si Domingo De Guia noong 2005, ang kaniyang anak na lalake na si Tal De Guia ang agad na humalili sa pamumuno ng kaniyang ama. Isinasalarawan si Tal ng kaniyang mga tagasunod at maging ng mga lokal na pulitiko na makarisma rin ito kagaya ng mga nangag-unang puno ng Lapiang Malaya. Ipinamamarali din ng grupo na sila ay may mahigit 4 na milyong kasapi sa buong Pilipinas, kabilang na umano dito ang maraming kasapi na nasa Bicol, Quezon, Tarlac, Bulacan, Nueva Ecija at Nueva Viscaya.

Sa isang panig, may isang grupo ang bumukadkad sa bahagi ng Antipolo at pinamunuan naman ito ni Maternidad Clomera, na asawa naman ni Conrado Mulingbayan na umano'y dating masugid na kasapi ng Lapiang Malaya. Ang naturang grupo ay tinawag naman na "Christ The King Order"

Hindi naglaon ay nagkaroon ng matinding paghihiwalay ang naturang grupo, at ang sumunod na paghihiwalay ay pinamunuan naman ng dating kanang-kamay ni Maternidad Clomera na si Primo.

Bagama't ang naturang sangay ng Lapiang Malaya ay gumagamit na ng ilang doktrinang katoliko, mga larawan o imahing matatagpuan na rin sa loob ng simbahan, ngunit lantaran pa rin ang pagkakaiba nito sa tipikal na katuruan ng simbahan. Nasa buod pa rin ng kanilang mga pag-aaral ang maraming aspeto at paniniwala batay sa katuruan ni Valentin Delos Santos. Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa pangunahing katuruan ng grupo:

1. Hindi sila naniniwala sa anumang kalatas o mga banal na kasulatan na nanggaling sa mga propeta. Ayon sa kanilang pag-aaral, di umano ay mayroon silang aklat na ginagamit na may dalawang pahina lamang, ito ay ang langit at lupa.

2. Pangunahing pag-aaral ng kanilang samahan ay nakabase sa Cinco Vocales at 28 Alpabetos. Kaakibat na rin nito ang paggamit nila ng Numeracion. Dito ay masusi nilang napag-aaralan ang pangalan ng tao. Dito umano nakapaloob ang kaniyang kalooban, pag-uugali, ang kahihitnan ng buhay at maging ang mga karamdaman.

3. Hindi tatlo, kundi lima ang diyos na kanila umanong natatawagan, batay sa katuruan ng Cinco Vocales. Ang Diyos Ama, Diyos Ena, Diyos Anak, Diyos Espiritu Santong Wagas at Diyos Omne Potente. Bukod dito ay may Lolo Infinito Diyos pa.

4. Naniniwala ang samahan na ang bawat Diyoses na nabanggit ay may kaniya-kaniyang numero at oras sa bawat araw o gabi kung ito ay tatawagan o dadasalan.

5. Palasak din ang paggamit ng iba't-ibang oracion at panalanging Latin ang naturang grupo.

6. Ilan sa mga matatandang kasapi ng grupo ay nanggagamot sa pamamagitan ng pagtatawas.

....abangan ang susunod.

61 comments:

KontraAgimatAko said...

eww..kalokohan yang mga anting-anting na yan. c God lang ang may kakayahang mag save satin sa kaligtasan. well said, Don!

Alec Pena said...

maraming binibenta sa sulit.com na mga agimat at orasyon daw, ung cinco vocales. karamihan kasi sa mga pinoy nagpapaniwala sa mga bertud at agimat, dapat sa diyos lang tayo maniwala, walang iba. saka sa demonyo yang mga anting-anting na yan! peace!

GRACE said...

naitanong ko kay dady ung lapiang malaya kuya, totoo nga daw po ung nangyari sa pasay. marami dw kc naninwala nun sa mga agimat, apparently eh wala namang bisa, haha!

Don Bustamante said...

thanks sa mga comments. anyway, galing sa blog ni dennis villegas ang mga pix at ang ilang bahagi ng kuwento na ginamit ko dito. thanks to him. rampant naman ang kuwento ng lapiang malaya at maraming link sa internet, kung di ko man naikuwento lahat e browse niyo na lang, lalo dun sa mga masisipag, hehe.

GRACE said...

ms ok na magbsa dito kuya, tagalog e, haha!

Don Bustamante said...

share lang naman tong mga naisulat ko dito. pero may sarili akong opinion sa mga anting-anting na yan, kay valentin delos santos, at sa cinco vocales. just believe in ONE GREAT GOD. un ang the best at dapat paniwalaan.

Don Bustamante said...

nga pala, abangan ang 2nd part ng kuwento ng Lapiang Malaya, kung ano na sila ngayon, kung nasaan na sila, at kung ano-ano na ang mga pangalan ng nagkawatak-watak at nagkaniya-kaniyang paksyon ng grupo.

makatangJUAN said...

kulto ang lapiang malaya.

Jenina said...

ksama na ang mga paniniwala sa mga agimat na yan itinuro ng mga kastila para sakupin tau. nkita kc nila na madling maniwala ang mga pinoy e.

Don Bustamante said...

di ka naman galit niyan hah jenina? hehe.

ceejay2834 said...

I DON'T BELIEVE IN AMULETS. Kalokohan lang yang mga yan. Yung mga may dala daw ng anting-anting e akala lang nila na may bisa un, pag ginamit kasi nila at tumalab, e may bisa daw, pag hindi naman tumalab, sasabihin, mali ang paggamit, haha.

DEMONHUNTER said...

they dubbed amulets, anting2x as "karunungan ng diyos" how come na galing un sa diyos e karamihan sa mga anting-anting e nakukuha daw nila sa mga lumang sementeryo, sa loob ng kuweba, at kung saan saang lugar na kakila-kilabot.

xoxo19 said...

me binigay skin ung friend qoh orasyon sa pag-ibig, sinubkan qoh di aman tumalab...

eto ung oracion:

BITAM MITAM SIGNE PACTIM IGNUM CRUSEM

Armando Soliven said...

girl ka ba xoxo19? binasa ko kasi ung oracion baka tumalab at mainlab ako sau, hehehe....

Anonymous said...

respect other's belief...un lang naman un eh. kung naniniwala ung iba sa agimat e bahala sila, kung di ka naniniwala e bahala ka rin sa buhay mo, at the end, sariling mga gawa naman ang magrereflect sa kahahatungan ng mga buhay natin e. smile to the world! poof poof!

Kristha said...

don't believe in amulets, those are said to be demonic.

Menchie Cruz-Ponte said...

i did watched Julian Talisman and Ramon Revilla's agimat movies but still i don't believe on any of those.

Menchie Cruz-Ponte said...

if cinco vocales is true, at base sa faith at teaching ng lapiang malaya e ang cinco vocales at 28 alpabeto ay yaong sinasabi na abakada nating mga pinoy, how about pala ung mga nations na di gumagamit ng alphabet? like arab countries, chinese, thailand, japanese etc.?

Don, baka may explanation ka bout this, please educate me, hehe.

Anonymous said...

maraming anting-anting sa quiapo church dba? kung sa demonyo ito bakit hinahayaan ng authorities ng quiapo church ung mga ganong nagtitinda?

Don Bustamante said...

ate menchie, we have the same question nga e. that's why i don't believe on those things. it's just a matter of respect na lang sa akin and i don't judge people who may believe in such things. the fact, i have been involved in occultism before, about 15 years ago, but everthing is different now, for me, prayer is the most powerful tool against bad spirits at aswang, hehe. pero kung baril na ang nasa harapan ko, running is the best thing to do, hehe. right now, i believe in ONENESS OF GOD, i just depend my life to Him.

akosilea said...

na featured yata ang lapiang malaya sa isang diyaryo, nag organized ata sila ng lechon festival sa isang province.

Don Bustamante said...

yup, sa bayombong, nueva viscaya. they hold "Lechon Festival"

Grace said...

Padaan lang sa blog mo kuya

martilyosaulo78 said...

They are just PBMA alike.

Michelle Malapre said...

maraming sect o kulto sa maraming panig ng bansa, ayon sa dictionary, kulto ang tawag sa mga grupong pang relihiyon na iba sa tatlong major religion, judaism, christianity at islam. kadalasan din sa mga kulto ay may kakaibang katuruan.

Don Bustamante said...

that's right, michelle, because the 3 said religions have the same teachings and belief, medyo nagkakaiba lang siguro sa ilang bagay, the way they pray, the way they call the God. They are all Abrahamic Faith. That's why, many people believe that the followers of this 3 major religions are brothers.

Don Bustamante said...

right now, i'm writing articles about PBMA.

GRACE said...

nice new look a.

Angel said...

very well said..

in addition, sila din ung mga nagppraktis ng witchcraft, voodoo, mumbo jumbo, etc.

mOnMoN said...

witchcrafting is so cool!

i wish i can do it..

Don Bustamante said...

in my humble opinion, i think, witchdoctors (albularyo) is ok as long as they do not use it to cause harm. may iba kasi diba na lalatiguhin ka, haha! Pero ung ibang traditional hilot or gumagamit ng mga herbal medicines ay ok lang. bsta for me, wag hahaluan ng ibang, voodoo rituals, mumbo jumbo, etc.

Anonymous said...

Witchcraft exists worldwide in all societies and cultures. There are two kinds: white and black witchcrafts. White is when it is used for good purposes and black is the reverse. It should be left up to every government and its citizens to decide what type suits them the most. - Thomas Doharty

luisa17 said...

it does exist. but i opposed it..

Kaye said...

are u a lapiang malaya member kuya? ask lang.

Don Bustamante said...

@kaye, mukha ba kong member ng lapiang malaya? haha. no i'm not.

Kate Ariola said...

sus aman..

Don Bustamante said...

mind ur own business kate, hehe.

Kate Ariola said...

may kasunod pa talaga a. tapusin mo na ksi, haha.

pakialamerz_ako_ said...

they are all bunches of bullshits, i don't believe in all that craps. kalokohan lang yang mga agimat na yan.

UGH! said...

albularyo ang tatay ko, pero ni kahit minsan, hindi siya nakasakit ng ibang tao, nakakatulong siya sa mga may sakit. kayo yata ang dapat ialbularyo dahil sa mga masasamang pag-iisip niyo at mapanghusga sa kapwa.

Menchie Cruz-Ponte said...

UGH, we have no intention na idegrade ang mga albularyo, all we're saying lang naman is ung mga manggagamot na nakaksakit ng tao. if you're father is a good healer at nakaktulong sa mga mahihirap, we salute him. we are all aware at ikw din nman siguro na may mga manggagamot o witchdoctor talaga na nanakit ng tao. in fact, kahit ung mga mangkukulam ay mga manggagamot din. un lang po.

Anonymous said...

silip lang.

UGH! said...

sobra kau. respeto lang sa ibang tao, wag niyo lalahatin lahat ng albularyo.

pakialamerz_ako_ said...

BAT KA NAMAN NASASAKTAN UGH? MANGKUKULAM BA TATAY MO? KUNG DI MANGKUKULAM E DI WAG KA MASAKTAN, KASI UNG OPINION NAMAN NG MGA TAO DITO E OPINION NILA UN AT HUWAG MO PANIWALAAN KUNG HINDI TOTOO PARA SAU, UN LANG UN.

UGH! said...

opinion ko rin naman ang sinasabi ko IDIOT!

pakialamerz_ako_ said...

MASYADO KANG AFFECTED E BAKA NGA TOTOO. WAG KA MASYADONG EMOTIONAL KASI, IDIOT KA RIN! LAHI TALAGA ATA KAYO NG MGA MANGKUKULAM AT SORCERER.

Menchie Cruz-Ponte said...

dapat may moderator dito, hahaha! peace po tayong lahat.

UGH! said...

peace? e kayo to mapanghusga ng ibang tao. hindi porke nanggagamot at gumagamit ng mga oracion ay masama na. kung alam niyo lang paano nakakatulong sa mga walang pera ang mga may sakit na lumalapit sa mga albularyo. un na lang nalalapitan nila.

pakialamerz_ako_ said...

EH WALA NGA KAMING BINABANGGIT NA URI NG MGA MASASAMANG ALBULARYO AT MABUBUTI? DI NAMAN KAMI NAGBANGGIT NG PANGALAN. WAG KA NAMAN KASI MARAMDAMIN. PEACE!

Anonymous said...

group hug!!!!!!!!!

Hendrix_Hendrix said...

banggitin niyo ang slitang ito ng 3 beses at mgiging transformer kau:

kjierh kxhsh lwwicx eksah
kdfhc bjfkisa jkwitl xjaha.

maniwala kau, ung pinsan ko binanggit yan ng tatlong beses, ngayon, tricycle na siya.

Leigh said...

haha!

pakialamerz_ako_ said...

hehehehe!

Hendrix_Hendrix said...

pasaway kasi to si don, kakagulo tuloy.

Anonymous said...

gusto ko gayumahin crush ko, penge naman orasyon, please?

JOYCE said...

don, online ka poh?

Henrix_Hendrix said...

anonymous, babae ka ba?

Michellebimn said...

pasaway kasi to si don, kakagulo tuloy.

Unknown said...

Gusto kong magkaroon ng aesthetics dibdib. Naghahanap ako para sa isang plastic siruhano sa Turkey.
Memeesteti─či

Anonymous said...

Well, hindi nila sinabi na maniwala kayo. So just respect nalang. Bakit ba ang katoliko din ba totoo? Eh unang may mga kasalanan nga sa atin eh ang mga pari eh. Halos nabasa kong comment ay mali lhat or simply say na mali pgkakaintindi nila or mya mali sa mga information. Kaya nga wag nalang magsabe ng kung ano-ano. Hindi nyo nman alam ang nangyri tlga noon hindi niyo nasaksihan ni hindi pa nga kayo naipanganak. Nasa sayo kung maniniwala ka lalo na kung maeexperienced mo pa. Kase ang grupong yan hindi daw sila yung tipo ng relihiyon na manghihikayat or house to house pa ang peg para lang makasama sila sa relihiyon eto yung tlgang naniniwala lang tlga sa kung ssbhin lang ng bibig tlgang hindi ka mniniwala pero kpg natry mo na dun mo mapaptunayan. Hindi sila ngpipilit ng iba. Just shut up nlng

Anonymous said...

And yung orasion thingy, hindi tlga orasion yon. And one more thing hindi dahil may bngay sayo na orasyon yun tlga yon minsan gawa gawa lang ng iba. Dahil ang mga sinasabi nyo na orasion hindi pinapamahagi yon hindi nga dapat ipagsabi eh. Ni kung ssbhin lang yon mabilisan lang swerte mo kung nakuha mo yon. At isa pa hindi umeepekto yon kung may masamang hangarin ka sa mga taong nangangailangan tlga. At may way or ssbhin muna bagong mangyri yon. At kung tlga sa masama mo ggwin bka bumalik lang sayo ang oarsion