Mga koleksiyong tula na hinabi ng malikot na imahinasyon at bunga na rin ng pakikiagapay ko sa makulay na larangan ng panitikan. Pluma ang naging matalik na kaibigan sa paglinang ng tula. Libog, ang naging paraan sa pagpupunyaging maalab ang bawat taludtod, isang mapusok na determinasyong ipamulat ang mga nakatagong kuwento sa bawat tulang hinahabi.